Busy ka?

Philippines
November 11, 2006 4:48am CST
Message: Busy ka? Naku mukha nga... Tagal na nating di nagkikita ah... Tagal mo na akong di dinadalaw... Alam mo miss na kita... O, sino yang nagtext sa iyo?... Buti pa sa kanya nakapagreply ka agad... Napansin ko na ang dami mong ginagawa talaga... Ang dami mo ring things-to-do diyan sa planner mo ah! Mapangarap ka talaga noh?... Ang dami mong plano... Nakakatuwa naman na malaman yan. Kasama ba ako sa plano mo? Ano?!! Naku di ka agad makasagot... Sige okay lang alam ko naman kung ano talaga sagot mo.. Nakita kita nung Friday, aga natapos ng klase mo. Alam mo ba, ang akala ko pupuntahan mo ako. Ooppss! Hindi pala! Gigimik pala kayo ng mga friends mo. Late ka ng nakauwi ah? Naghintay ako sa'yo. Pagpasok mo sa kuwarto mo, di mo ako napansin... Haaay! Kawawa ka naman... Siguradong kinabukasan masakit ang ulo mo at tanghali ka na gigising... Ang dami mong lakad, naghihintay ako na tayo naman ang maging magkasama kaya lang sa dami ng schedules mo para sa acads at sa labas ng school parang malabo talaga... O sige na, balik ka na sa pagaaral mo. May ginagawa ka pa yatang research at magche- check ka pa ng iba mong mails. I might be eating too much of your time. Maging dahilan pa ako para masira ang plano mo sa araw na ito... Gusto ko lang sabihin sa'yo na nandito lang ako kapag kailangan mo ako... Pag hindi ka na busy. Totoo yon! Walang biro! Ayaw mong maniwala? Ganon kita kamahal kasi! Ayaw mo pa ring maniwala? Remember this, kahit singit lang ako lagi sa buhay mo, kahit biglaan mo lang na natatawag ako dahil nagulat ka, nasaktan ka, nauntog ka o dahil part ang pangalan ko nung binabasa mo sa text, YOU will be in my heart always... Trials after trials isipin mo kasama mo ako na lumalakad, hindi man sa buhangin, kasama mo pa rin ako... Sa lahat plano mo, kahit hindi mo ako kasama I would like you to know that I am the one perfecting it... Para mas maging masaya ka... Minsan tayo naman ang mag-usap ha? Minsan ako naman ang dalawin mo... Miss na talaga kita eh... Sa akin hindi ka singit lang... nagmamahal, JESUS ....bsahin nyo bka mtamaan kyo..... ^_^
No responses